Quezon Cty LGU sinimulan na operasyon ng 2 water retention project

MANILA, Philippines — Pagaganahin na ng Quezon Cty LGU ang dalawang malaking water retention project upang makatulong na maibsan ang matinding  pagbaha sa Lungsod tuwing may  bagyo.

Sa ginanap na QC journalist forum, sinabi ni  Ms Peachy de Leon, spokesperson ng QC Disaster Risk Reduction Management office (QCDRRMO) na  malaki ang posibilidad na mabawasan ang bilang ng mamamayan na maapektuhan ng pagbaha oras na gumana ang naturang mga proyekto.

Ang water retention project na nasa Pal­mera Homes Phase 2 sa Sta Monica sa District 5 at sa Gloria Court sa Tandang Sora sa District 6 at dalawa pa lamang sa apat na proyektong nakalinya na inilatag ng QC LGU para maibsan ang pagbaha sa QC. Dalawa pa rito ay ang  Tuloy Daloy Drainage  at Salong Tubig Project o catch basin na bahagi ng Drainage Master Plan ng QC LGU.

Kaugnay nito sinabi ni Councilor Charm Ferrer, chair ng Committee on Disaster  Risk Reduction ang lungsod para sa pagtugon sa iba’t ibang kalamidad tulad ng training at seminar sa mga tauhan sa mga  barangay at action center.

Upang maipatupad anya ang mga programa sa Disaster Preparedness ay naglaan ang QC LGU ng 5 percent sa kabuuang budget ng lokal na pamahalaan kada taon.

Mayroon din anyang 6 na permanent evacuation centers ang QC LGU na maaaring pansamantalang kanlungan ng mga apektado ng bagyo bukod sa mga covered court sa mga barangay at maging sa mga simbahan.

Aniya ang QC sa patnubay ni QC Mayor Joy Belmonte ay ­laging handa na tumugon sa anumang kalamidad at pangangailangan ng QCitizen laluna kung may bagyo.

Show comments