Presyo ng manok tumaas
MANILA, Philippines — Tumaas ang presyo ng bawat kilo ng manok sa mga palengke batay sa ginawang monitoring ng Department of Agriculture (DA) kahit na naibaba ng mga may negosyo sa manukan ang farm gate price ng itlog at manok.
Ayon sa datos ng DA, umaabot na lamang sa P80 ang farm gate price ng kada kilo ng manok pero pagdating ng palengke ay umaabot na ito sa P220 kada kilo.
Bumaba naman ng 50 centavos ang presyo ng bawat itlog at nananatili nasa P8 hanggang P9 ang presyo ng bawat itlog sa mga pamilihan.
Ayon kay DA spokesman Arnel de Mesa na ipaprioridad ang pagbusisi sa kung bakit tumaas ang presyo ng manok sa mga pamilihan gayung mababa ang halaga ng farm gate price nito at sapat ang suplay ng manok sa bansa.
- Latest