MANILA, Philippines — Nasa tamang liderato ang Lungsod ng Caloocan at nananatili ang tiwala ng mga Batang Kankaloo kay Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan.
Ito naman ang resulta ng Social Weather Station (SWS) na nagsasaad na malaki pa rin ang tiwala ng mga taga Caloocan sa pamumuno ni Malapitan.
Batay sa resulta mg SWS survey, 87% respondents ang sumang- ayon na nasa ‘tamang landas’ ang lungsod gayundin ang 81% na pamununo kumpara sa nakuhang porsiyento ni dating Senador Antonio Tillanes IV na 15 porsiyento.
Samantala, maging ang mga kaalyado ni Malapitan sa Team Aksyon at Malasakit ay nananatiling nangunguna laban sa kalabang kandidato.
Lumitaw na si Vice Mayor Katrina Teh-Limsico na kaalyado ni Malapitan ay nakakuha ng 70 % kumpara sa kalaban nitong si PJ Malonzo na may 20%.
Sa mga kongresista, nangunguna si Cong. Oca Malapitan sa District 1 na may 83% laban kay Rey Malonzo na may 11%; District 2 Cong. Mitch Cajayon-Uy, 64% laban kay dating Congressman Egay Erice, 33 % at District 3 Cong. Dean Asisti, 94 % laban kay Edwin Feliciano.
Ang naturang porsiyento ay indikasyon na kuntento ang mga Batang Kankaloo pamamahala ni Malapitan.