“Labubu” may lason — EcoWaste

MANILA, Philippines — Pinag-iingat ng grupong EcoWaste Coalition ang publiko laban sa sikat na Labubu-inspired toys at iba pang items na nagkalat sa merkado dahil sa kawalan ng impormasyon sa label at natuklasang may taglay na lason.

Sinabi ng grupo na sinasamantala ngayon ng mga negosyante ang pagiging popular ng Labubu na nagkalat ngayon sa Divisoria market.

Kabilang sa naobserbahan ng grupo ang mga imitasyon ng Labubu dolls, stuffed toys, key chains, phone accessories, stickers, purses at iba pang produkto na mabibili sa bultuhan at retail.

Batay sa naging pagsusuri ng 42 items na binili ng grupo, 5 lamang ang may partial label at ang 37 ay walang label.

Sa isinagawang X-Ray Fluorescence (XRF) screening na walo ang nagtataglay ng neurotoxin na lead o tingga.

Nasa 24 ng 42 items ang gawa sa polyvinyl chloride (PVC) plastic, na may mapanganib na kemikal kabilang ang lead na gamit na stabilizers o colorants, at phthalates bilang plasticizers.

Natukoy na nasa 212 parts per million (ppm) hanggang 1,728 ppm ng lead ang nakita naman sa miniature Labubu PVC plastic toys na palamuti sa key chains.

Ang tingga, ayon sa World Health Organization (WHO) ay isa sa 10 kemikal o grupo ng mga kemikal na pangunahing public health concern.

Ang mga batang nalalantad sa may taglay na lead at PVC toys kung mailalagay sa bibig o maaring nguyain, kahit sa mabang level ay may peligrong dala na sa kalusugan.

Show comments