^

Metro

Van inararo 5 sasakyan, 1 dedo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang 35-anyos na mister ang nasawi habang dalawa pa ang nasugatan matapos na araruhin ng truck ang apat na behikulo sa kahabaan ng San Mateo Road, Brgy. Batasan, Quezon City nitong Biyernes ng gabi.

Sa inisyal na report ng Quezon City Police District, arestado naman ang driver ng cargo truck na si Ranilo Galabay, 46- anyos.

Hindi naman tinukoy ng QCPD ang pangalan ng nasawing lalaki habang ang dalawang nasugatan ay isinugod naman sa pagamutan para malapatan ng lunas.

Bandang alas-10:30 ng gabi, habang ang dalawang SUVs, isang kotse at isang tricycle ay bumabagtas sa kahabaan ng San Mateo Road, Brgy. Batasan nang bigla ang mga itong salpukin ng cargo truck na minamaneho ni Galabay.

Ayon sa imbestigas­yon, unang binangga ng cargo truck ang isang kotse at sumunod ito ay isang SUV.

Tinangka naman ng driver ng truck na makontrol ang behikulong kaniyang minamaneho pero sa kamalasan ay sinalpok nito ag isa pang SUV.

Sa nasabing insidente ay nasawi ang nasabing Mister habang patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang nasugatang dalawang biktima.

Patuloy naman ang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad sa kasong ito. Kasalukuyan ring inaalam kung nasa impluwensya ng alak ang driver ng cargo truck ng mangyari ang insidente.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with