Mga bodega sinalakay
MANILA, Philippines — Dahil sa inaasahang dagsa ng mga mamimili ng mga pangregalo ngayong Kapaskuhan, ikinasa ng National Bureau of Investigation-Intellectual Property Rights Division ang operasyon laban sa bentahan ng mga pekeng produkto na nagresulta sa pagkakasamsam ng nasa P207 milyong halaga ng mga fake products sa isinagawang operasyon sa Pasay, Valenzuela at Bulacan.
Ayon kay NBI director Jaime Santiago, isinagawa ang operasyon ng kanyang mga tauhan sa bisa ng Search Warrants na naipalabas ng korte kaugnay ng paglabag sa Trademark Infringement sa ilalim ng R.A. 8293 ng mga Owners/Occupants ng mga stalls sa Pasay City.
Kabilang sa mga pekeng produkto ay tshirt, sando, jogging pants, jackets, boxer shorts, pantalon at mga pabango.
Ang tatak ng mga pekeng produkto ay Adidas, Vanz, Gucci, Under Armour, Lee Bumgarner at Victoria’s Secret.
Kinasuhan na ng NBI ng paglabag sa naturang batas ang mga may-ari ng mga pekeng produkto.