Abot kayang presyo ng bigas, pangako ng Metro Manila rice retailers

Individuals line up for affordable rice sold at P29 per kilo at the Kadiwa store inside the National Irrigation Administration Office in Quezon City on July 5, 2024.

MANILA, Philippines — Napagkasunduan  ng mga Rice retailers mula sa mga pamilihan sa Metro Manila na sisimulan sa susunod na linggo ang pagbebenta ng abot kayang presyo ng regular at well-milled rice sa susunod na linggo.

Ang kasunduan ay ginawa ng mga market vendors sa ginanap na  consultative meeting na naipatawag ni   Agriculture Secretary Francisco P. Tiu Laurel Jr. para imbestigahan kung bakit walang epekto sa  retail prices ng bigas ang naganap na bawas taripa sa bigas.

Ipinabatid naman ng mga rice importers at  traders kay  Undersecretary for Operations Roger Navarro na ibinaba nila sa P38 ang.kada  kilo ng panindang bigas.

Nagsabi naman ang mga representatives ng rice retailers mula sa pangunahing palengke sa Maynila, Quezon City, Caloocan City, Pasig City, Las Piñas City, Taguig City at Pasay City na kanilang napagkasunduan na gawing P42 ang kada kilo ng well milled rice.

Sinabi ni Navarro na nakiusap ang DA sa mga nabanggit na tulungan ang pamahalaan upang magkaroon ng abot ka­yang bigas ang mga mahihirap sa bansa.

Show comments