^

Metro

Company driver timbog ng NBI sa pagbebenta ng droga

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation -Dangerous Drugs Division (NBI-DDD) ang isang company driver sa Valenzuela City dahil sa pagbebenta ng illegal drugs.

Kinilala ni NBI director Jaime Santiago ang suspek na si Jjoandro  Daet  Castillo alyas Jay, company driver ng  Convalesce Inc na sinasabing nagbebenta ng droga tulad ng shabu sa loob ng kumpanya  sa barangay Parada Valenzuela City.

Sinasabing naaresto ang suspek makaraang malaman ng kompanya ang ilegal na gawain ng driver na maaaring makaapekto sa trabaho at kaligtasan ng kanilang mga empleyado dahil sa posibleng pagkalat dito ng droga.

Ang suspek ay  naaresto ng mga ele­mento ng NBI-DDD sa pakikipagtulungan ng  PDEA, PNP at repre­sentatives mula sa  National Prosecution Service-Department of Justice .

Si Castillo ay kaka­suhan ng paglabag sa  Section 5 ng RA 9165 o kilala sa tawag na Comprehensive Dange­rous Drugs Act of 2002.

ACT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with