LTO offices sa mga binagyong lugar, bukas na tuwing Sabado
MANILA, Philippines — Nakabukas ang mga tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) tuwing Sabado para sa rehistro ng mga sasakyan at pagkuha ng driver’s license sa mga lugar na sinalanta ng bagyong Kristine at Leon sa bansa.
“Due to the effects of two (2) typhoons that had hit the country and several work suspensions which affected most of our transacting public, all Regional Directors/Assistant Regional Directors are mandated to assess the necessity of rendering services and opening offices on Saturdays,” ayon sa memorandum order na nilagdaan ni LTO chief Vigor Mendoza.
Bahagi ng kautusan ang pagsasagawa ng assessment para sa mga opisina na kailangang magserbisyo sa mamamayan kapag Sabado.
Inihalimbawa rito ang Calabarzon na may halos 14 district offices ng LTO ay naghahanda para magkaroon ng Saturday operation na halos lahat ay nabiktima ng nagdaang kalamidad.
Ilan sa mga magbubukas ng Sabado ang limang district offices sa Cavite, apat na district offices sa Rizal, tatlong district offices sa Laguna at Batangas City gayundin ang Lipa City District Offices.
Nakatakda ring magbukas ng Sabado ang LTO Regional Office Cagayan partikular ang lahat ng kanilang district offices, satellite offices at DLROS sa November 9 hanggang December 21.
- Latest