Makikitang namamalimos sa kalsada, isumbong — DSWD
MANILA, Philippines — Nanawagan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa publiko na ipagbigay alam sa ahensiya kung may makikitang namamalimos sa mga kalsada lalo na ngayong nalalapit na ang Kapaskuhan
Sinabi ni DSWD spokesperson Irene Dumlao na maaaring tawagan ang DSWD ABOT hotline 89319141 o ipagbigay alam sa Facebook page ng DSWD Pa-Abot upang mapuntahan ng mga tauhan ang mga namamalimos sa lansangan.
Aniya, may nakahandang interventions ang DSWD sa mga naglipanang namamalimos sa kalsada lalo na ngayong nalalapit ang Kapaskuhan at upang sila ay matulungan ng ahensiya.
“Nananawagan po kami na kung may makikita kayong namamalimos ay ipaalam lamang sa DSWD sa aming hotline para sila ay ating matulungan at malaman ang iba pang interventions para hindi na sila bumalik sa kalsada para mamalimos,” sabi ni Dumlao.
Dagdag ni Dumlao, patuloy ang DSWD sa pagkakaloob ng tulong hindi lamang sa mga nabibiktima ng kalamidad kundi pati na rin ang mga taong namamalimos sa mga lansangan.
- Latest