LRT-1 Cavite extension bubuksan ngayong Nobyembre

MANILA, Philippines — Bilang maagang pamasko ng Department of Transportation (DOTr) sa mga pasahero ng Light Rail Transit Line 1, bubuksan na ngayong buwan ang LRT-1 Cavite Extension Phase 1.

Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi rin ni DOTr Secretary Jaime Bautista na limang dagdag na istasyon ang magbubukas sa mga susunod na araw.

Kabilang na ang Redemptorist-Aseana Station, MIA Road Station, PITX Station, Ninoy Aquino A­venue Station at Dr. Santos Station na dating Sucat.

Ayon kay Bautista, nasa P45 ang magiging pamasahe sa buong LRT-1 mula sa FPJ Station sa Quezon City patungo sa Dr. Santos Station sa Parañaque City.

Dahil dito, kaya mula aniya sa isang oras, magiging 30 minuto na lamang ang biyahe ng mga komyuter mula Quezon City patungo sa Parañaque.

Nasa 80,000 na pasahero kada araw ang inaasahang madaragdag sa LRT-1.

Sa kasalukuyan, nasa 320,000 ang ridership kada araw ng LRT-1.

Show comments