^

Metro

Away sa parking: Grab driver todas sa tricycle driver

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang grab driver matapos na pagbabarilin ng naka alitang tricycle driver dahil sa parking space kamaka­lawa ng hapon sa Brgy. Culiat, Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Patrick Palapag Diosana, 36, ng no. 42, FFF Extension, Barangay Culiat, Quezon City habang pinaghahanap naman ang suspek na si Rey Awa Olea, 45, alyas Jumong at naninirahan sa Sitio Mabilog, ng nabanggit ding barangay.

Sa pagsisiyasat ni PSSg Nido B Gevero, Jr. ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nangyari ang pamamaril dakong alas-5 ng hapon Union Drive Extension, Brgy. Culiat, Quezon City.

Sa pahayag ng saksi, nakita niyang ipinarada ng biktima ang kotse sa Union Drive Extension nang biglang dumating ang suspek.

Dito na binaril ni Olea ang biktima at saka mabilis na tumakas patu­ngong New Era TODA dala ang ginamit na baril.

Lumilitaw din sa imbestigasyon na may alitan na sa parking sa Union Drive Extension ang biktima at suspek.

Nakarekober naman ang SOCO Team ng QCPD Forensic Unit sa pangunguna ni PCpt. Eric Angay-Angay ng dalawang basyo ng bala ng baril sa crime scene.

Base sa cursory ­examination nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril sa katawan ang biktima.

Nagsasagawa na ng manhunt operation ang pulisya laban sa suspek.

vuukle comment

QUEZON CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with