SUV na may ‘plate no. 7’ nanagasa ng enforcer

Makikita sa video footage ng insidente ang isang kulay puti na SUV at nakakabit ang plate No. 7 sa harapan ang dumaraan sa bus lane Guadalupe Station sa EDSA bago mag-alas 7:00 ng gabi.
Google Maps

Pasahero nag-dirty finger pa

MANILA, Philippines — Iniimbestigahan ngayon ang isang special utility vehicle (SUV) na may plakang ‘No. 7’ matapos na sagasaan ang isang babaeng traffic enforcer nang sitahin dahil sa pagpasok sa busway northbound ng Guadalupe Station sa Linggo ng gabi.

Makikita sa video footage ng insidente ang isang kulay puti na SUV at nakakabit ang plate No. 7 sa harapan ang dumaraan sa bus lane Guadalupe Station sa EDSA bago mag-alas 7:00 ng gabi.

Nakita ito ni Secretariat Sarah Barnachea ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) ng Department of Transportation kaya nilapitan para sitahin sa paglabag subalit tinangka pa umano itong sagasaan.

Isang kasamahang traffic enforcer ni Barnachea ang umalalay subalit  ang pasahero umano ay nag ’fuck you” sa kanila, saka paatras na pinatakbo ang sasakyan hanggang sa marating U-turn slot na dinaanan sa pagtakas.

Sinabi ni DOTr spokeperson Jonathan Gesmundo na nitong Lunes ng umaga na nakikipag-ugnayan na siya sa Land Transportation Office upang ma-trace kung kanino naka-re­histro dahil hindi nakilala ng traffic enforcers ang driver at kung sino ang sakay sa likod.

Posibleng mabigyan ng show cause order ang matutukoy na may-ari kung hindi senador ang sakay ay aalamin din kung sino ang driver na sangkot sa oras na iyon.

Show comments