Nakaburol na lalaki na-‘cremate’ sa sunog

Puspusan ang pag-apula ng mga bumbero sa sunog na sumiklab kahapon ng umaga sa Cuyegkeng Street sa Barangays Uno at Dos sa Pasay City kung saan nadamay ang nakaburol na lalaki.
Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Mistulang na-’cremate’ ang isang lalaking nakaburol nang madamay sa sunog habang isang bangkay pa ng lalaki ang natagpuang patay sa isang residential area, sa Pasay City kahapon ng umaga

Sa inisyal na ulat, pasado alas-11 ng umaga nitong Lunes, Nobyembre 4 nang sumiklab ang sunog at kumalat sa 25 kabahayan sa Cuyegking St., Barangay 1, Zone 1, Pasay City na nagmula umano sa ikalawang palapag ng isang bahay.

Hindi nailabas ng bahay ang nakaburol na lalaki dahil sa laki ng apoy subalit tumambad naman ang bangkay ng isang 20-anyos na lalaki na na-trap dahil sa himbing na pagkakatulog.

Ayon sa ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Pasay na pinangunahan ni Senior Fire Inspector Franky Romaraog, alas-11:54 ng umaga nang umakyat sa second alarm, alas-1:00 ng hapon nang ideklarang under control at tuluyang naapula alas 3:14 ng hapon o apat na oras na nagtagal.

Show comments