MANILA, Philippines — Patuloy ang pamamahagi ng Quezon City LGU ng earthquake at landslide search and rescue boxes (Elsaroc) sa lungsod katuwang ang Quezon City Disaster Risk Reduction Office ng lokal na pamahalaan.
Sa patnubay ni QC Mayor Joy Belmonte, sinabi ni QC District 1 Councilor Charm Ferrer na patuloy ang kanilang pamamahagi ng ELSAROC boxes sa iba’t ibang barangay sa lungsod bilang paghahanda sa kalamidad at emergency.
Pinakahuling nakatanggap ng ELSAROC boxes ang Barangay Masambong, San Jose at Balingasa
Sinabi ni Ferrer na ang laman ng bawat ELSAROC boxes ay gamit sa pagsagip at pag-rescue sa panahon ng lindol at landslide.
Sa pamamagitan aniya ng mga ito, pinalalakas ang kahandaan ng mga barangay sa mga hindi inaasahang kalamidad na tatama sa QC.