Mayor Along una sa mga ‘Batang Kankaloo’ - SWS

MANILA, Philippines — Si Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan pa rin ang mas pinilipili ng mga ‘Batang Kankaloo’ na kanilang iboboto sa 2025 Local Elections.

Ang resulta ay base sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) nitong Oktubre matapos ang filing ni Malapitan ng kanyang certificate of candidacy.

Nakakuha ng 81 porsiyento si Malapitan kumpara sa 15 porsiyento na nakuha ng makakalaban nito na si dating Senador Antonio Trillanes IV. Kuntento rin ang mga residente ng Caloocan sa pamamalakad at pagseserbisyo ni Malapitan.

Kamakailan ay kinilala ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) ang Caloocan LGU bilang isa sa “business friendly cities” habang ginawaran naman ng Anti-Red Tape Authority (ARTA), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Trade and Industry (DTI), at Department of Information and Communications Technology (DICT) ng Seal of eBoss Compliance ang  Lungsod sa pagpapatupad nito ng fully-automated na Business-One-Stop-Shop.

Itinanghal din ang Lungsod ng Caloocan bilang pang-walo sa mga pinakamahusay na Highly-Urbanized Cities (HUCs) sa buong bansa pagdating sa pagpapalago ng local source revenues.

Kasunod nito ay idineklara rin ng PCCI ang kanilang commitment of support sa pamumuno ni Malapitan dahil sa kanyang mahusay na mga polisiya at programa upang ­itaguyod ang mga lokal na negosyo sa lungsod.

Show comments