IACAT itinanggi partisipasyon sa raid sa scam hub sa Maynila
MANILA, Philippines — Itinanggi ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director PMGen. Sidney Hernia na kasama ang Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) sa operasyon ng Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) laban sa tinawag na ‘mother of all scam hubs’ noong nakaraang Linggo sa Ermita, Manila.
Ayon kay Hernia, hindi human trafficking operation ang isinagawa kaya hindi sangkot sa raid ang IACAT.
“To clarify recent reports, the operation at what has been referred to as the ‘mother of all scam hubs’ in Ermita, Manila, was led by the Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) and focused strictly on executing cyber warrants to counter cybercriminal activities” ani Hernia.
Nilinaw din niya na ang pagkakatuklas sa mga dayuhang dinatnan sa site ay nagkataon lamang dahil ang pokus ng operasyon ay pagpapatupad ng cyber warrants upang sugpuin ang cybercriminal activities.
Wala rin aniya, na pananagutan ang Bureau of Immigration (BI) sa kasunod na pagpapalaya sa mga dayuhang inaresto dahil isinagawa ito alinsunod lamang sa judicial process kaugnay sa pagpapatupad ng cybercrime.
- Latest