^

Metro

Political officer buking na lider ng ‘troll campaign’

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Buking ang pagiging lider ng troll campaign ng isang political officer sa Pasig City matapos na lumutang ang isang Universal Serial Bus  (USB) na  inilunsad ng grupo ng mga batang technology savvy laban sa natalong pulitiko ng lungsod na ito noong halalan 2019.

Ayon kay Nep Castillo,  reporter ng Pasig-based news website na BRABO NEWS na natanggap niya noong Oktubre 30, 2024 ang isang parcel na naglalaman ng naturang USB kung saan nakadetalye umano ang “troll campaign” operations laban sa pamilyang Eusebio na nakalaban ni Mayor Vico Sotto noong 2019 local elections.

Nabatid na isang 29-anyos ang lider ng nasabing “technophiles” at umano’y kasalukuyang political affairs officer ng Pasig LGU.

Nakapaloob sa nasabing USB ang umano’y binuo na sanga-sangang kaugnayan ng naturang political affairs officer sa troll campaign gamit ang social media.

Nakapaloob pa sa portable document format, o PDF file sa USB, ang mga ginamit na iba’t ibang social media pages, at kapag may violations umano ay dinideklara ito ng ‘page restrictions’ ng social media company at kaagad na magpapalit ng panibagong page.

Ani Castillo, makikita rin sa nasabing dokumento na gumamit ng dummy accounts ang nasabing political affairs officer ng Pasig City government, ngunit obyus naman na lumitaw ang email address ng nasabing empleyado para sa payment option nito.

Lumilitaw na ang nasabing email address ay lehitimong pagmamay-ari ng nasabing political affairs officer dahil ito rin ang ginamit nito sa isang LinkedIn public account.

USB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with