MANILA, Philippines — Arestado ang 21 ‘tulak’ sa magkakahiwalay na buy-bust operations ng pulisya sa Quezon City, Caloocan at Navotas.
Sa Quezon City, kinilala ni QCPD Director PCol. Melencio Buslig, Jr., ang mga dinakip na sina Dante Herrera, 54; Dariel Herrera, 26; Gilbert Castro, 45; Marvin Raymond Danzalan, 42; Edmar Albarina, 36 at Andrew Perigrino, 37. May siyam na iba pang huli ang mga police stations sa lungsod.
Umaabot sa P175,508 ang halaga ng 25.81 gramo ng shabu na nakumpiska ng mga awtoridad.
Samantala, sa report naman na tinanggap ni Northern Police District Director PCol. Josefino Ligan, nasa P81,000 ang halaga ng shabu ang nakuha ng Malabon City Police kamakalawa ng madaling araw mula kina alyas Boss, 41 at alyas Siomai, 35 sa Inocencia Street, Brgy. Tugatog, Malabon City habang nasa P68,700 naman na halaga ng shabu ang nasamsam ng Navotas City Police sa mga ‘tulak’ na sina alyas Macmac, 40 at alyas Kalbo, 35, sa Naval St., Brgy. San Roque, Navotas City.
Oktubre 31 naman nang masabat ng Caloocan City Police sa panulukan ng 27 Galino St. at 9th Avenue, Brgy. 102, Caloocan City ang P102,000 halaga ng shabu at P840.00 marijuana kina alyas Fred, 42 at alyas John, 19.
Ang mga suspek ay sasampahan ng paglabag sa R.A. 9165, the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.