MANILA, Philippines — Hindi na pinaabot ni Manila Mayor Honey Lacuna ang itinakdang deadline sa katapusan ng Disyembre 2024 para tumigil ng operasyon ang mga POGO hub sa lungsod.
Ayon kay Lacuna, maaring boluntaryo na magtungo sa city hall upang iproseso ang dokumento sa pagtigil ng operasyon, magpaalam na sa may-ari ng gusaling inokopahan na tatapusin na ang kasunduan sa pag-upa sa mga ginamit sa operasyon ng POGO.
Marapat din na abisuhan na ang kanilang mga empleyado na malapit nang matapos ang kanilang mga kontrata sa pagtatrabaho at makipag-ugnayan sa Public Employment Service (PESO) para sa mga empleyadong Pilipino na kailangang tulungan sa paghahanap ng mga bagong trabaho.
Aniya, patuloy niyang susuportahan ang Manila Police District at iba pang tanggapan na tumutulong sa Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) at iba pang mga law enforcement agencies sa pagbuwag sa POGO at pang sindikato ng krimen.
“As mayor with supervisory authority over its local police, I support the directive of President Ferdinand R. Marcos during his SONA last July that all POGOs in the City of Manila must be completely shut down not later than December 31 this year,” ani Lacuna.