^

Metro

3 miyembro ng ‘Gapos Gang’ timbog, 3 pa tugis

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
3 miyembro ng ‘Gapos Gang’ timbog, 3 pa tugis
Kinilala ang mga nadakip na sina alyas “Brian”, 38 anyos; alyas “Jevic”, 29; at alyas “John”, 33; pawang mga driver habang tugis sina alyas “Ruel “, 40; alyas “Agustin”, 37; at alyas “Ramel”, 40.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

Pagnanakaw nakunan ng CCTV

MANILA, Philippines — Tatlong lalaki na  nanloob sa bahay  ng isang  Chinese national sa isang  exclusive subdivision sa Parañaque  ang naaresto ng mga pulis habang tatlo pa ang pinaghahanap.

Kinilala ang mga nadakip na sina alyas “Brian”, 38 anyos; alyas “Jevic”, 29; at alyas “John”, 33; pawang mga driver habang  tugis sina alyas “Ruel “, 40; alyas “Agustin”, 37; at alyas “Ramel”, 40.

Sa ulat na natanggap ni Southern Police District (SPD) Director  PBrig. Gen. Bernard Yang, naganap ang panloloob alas-12:30 ng madaling araw ng Oktubre 30, 2024 sa bahay  ng nagosyanteng si “Lin” sa Parañaque City.

Nakunan ng CCTV ang pangyayari, kung saan makikita na isang lalaki ang nagbukas ng gate, at nakitang papasok ang isang motorsiklo na minamaneho ng isang lalaki kasunod ng isang Sedan.

Biglang nagtatakbo ang trabahador na nagbukas ng gate habang isa pang trabahador  ang nadapa dahil sa mabilisang pagpasok ng mga suspek na nakatutok ang mga baril.

Pumasok at pumarada na rin sa loob ang Sedan at isa sa kanila ang nagsara ng gate. Lumabas ang lalaki sa Sedan at nagtungo sa likod na passenger seat at kinuha ang hooded jacket na ipinatong sa suot na damit.

Hindi na nakunan ng CCTV ang ibang pangyayari na batay sa ulat ay iginapos ang tatlong stay-in worker na Pinoy gamit ang duct tape habang ang ibang suspek ay nagtungo sa driver’s quarter at nakita doon ang close-in security guard na si alyas “Julius” at  iginapos din.

Inakyat nila ang ikalawang palapag at pinuntirya ang master’s bedroom kung saan tinutukan sina Lin at Yu,  pinilit na pinapunta sa kinalalagyan ng vault, na pilit pinabuksan at saka nilimas.

Natangay ng mga suspek mula sa mga biktima ang P980,000.00 cash at mga alahas na tinatayang halagang P400,000.00.

Mapapansin na ang aso ay paamoy-amoy lang na tila kakilala ang mga dumating.

Dahil umano sa komosyon, isang kapitbahay ang tumawag sa “911” kaya narespon­dehan ang insidente, ayon sa tagapagsalita ng SPD na si PMajor Hazel Asilo.

Ayon sa SPD, alam na alam ng mga suspek ang pasikot-sikot sa bahay at kasabwat ang mga trabahador mismo ng mga biktima, kabilang ang nagbukas ng gate.

Sa backtracking nakita sa kuha ng CCTV na sumunod pa sa mga suspek ang lalaking nagbukas ng gate at nakitang kausap ang mga suspek, sa halip na kalagan ang amo at iba pang kasamahan sa bahay.

Nadiskubre din ng SPD na hindi ito ang unang beses na ninakawan si Lin, na noong Agosto 2024 ay nata­ngayan ng P30-milyon, sa Binondo, Maynila na hindi umano naghain ng reklamo.

Nahaharap na sa reklamong robbery in band ang mga suspek o paglabag sa Article 296 ng Revised Penal Code.

SPD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with