LTO pinaiimbestigahan 1-araw na tigil-operasyon ng IT system

MANILA, Philippines — Pinaiimbestigahan ng pamunuan ng Land Transportation Office (LTO) isang araw na  tigil operasyon ng Land Transportation and Management System (LTMS) ng ahensiya kung saan   libu-libong motorista at driver  ang naapektuhan.

Kasabay nito, agad namang humingi ng paumanhin si LTO chief Vigor Mendoza sa  naganap na aberya.

“On behalf of the men and women of the LTO, I apologize for the service disruption of our Land Transportation and Ma­nagement System (LTMS). We already have the initial report but I want to have a detailed explanation as to why this incident happened,” pahayag ni Mendoza.

Nagsimula nang pumalya ang operasyon ng  LTMS noong Miyerkules ng alas-7 ng umaga hanggang hapon kayat nagbalik manual ang operasyon ng ahensiya nang araw na nabanggit.

Ang kompanyang Dermalog ang service maintainer ng LTMS para sa LTO.

Sa pagsasagawa ng troubleshooting ng internet provider, napag-alaman na ang internet connectivity ang naging problema dahil naputol ito kaya’t  inaalam kung sinadyang putulin ang internet cable ng LTMS Data Center.

“We are looking into all angles behind this incident. On the other hand, we are now taking additional measures to prevent the repeat of this unfortunate incident,” pahayag ni Mendoza.

Show comments