Quezon City-LGU naglaan ng P6 milyong sa Startup Quezon City Cohort 3

MANILA, Philippines — Nasungkit ng anim na local tech startups ang P6 milyong kontrata para sa equity-free grants na layong suportahan at palakasin pa ang homegrown innovators sa Quezon City.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, mula sa 58 na aplikante, nakuha ng anim na grupo na nasa ilalim ng StartUp QC Cohort 3 program ang proyekto.

“The finalists surpass expectations with a remarkable diversity of innovations, addressing issues in creative industries, youth empowerment, education, disaster risk reduction, sustainability, finance, and information techno­logy,” ani Belmonte.

Kabilang sa mga finalist ay ang Nyha Robotics na isang promi­sing team na una nang nanalo sa Startup QC Student Competition. Isinusulong ng Nyha na maging accessible sa mga kabataan ang robotics education.

Pasok din bilang finalist ang Callback na layunin naman nito na gawing propesyunal ang casting process sa cultural workers.

Nakikipag-ugnayan na rin  ang lokal na pamahalaan ng Quezon City sa Department of Trade and Industry (DTI), Department of Information and Communications Technology (DICT), at tech-innovation incubators and hub-Launch Garage para mapalakas pa ang programa.

“We are proud to see how these startups evolve and create meaningful sectoral transformation. Quezon City remains proactive and open to cultivating a more vibrant environment for local talents, business, and economic development,” pahayag ni Belmonte.

Show comments