^

Metro

4.5 milyong pasahero dadagsa sa mga terminal, airports sa Undas

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Aabot sa 4.5 milyong mga pasahero ang da­dagsa sa mga bus terminals, airports at seaport ngayong Undas.

Ayon kay Transportation Secretary Jaime Bautista, nasa 3 milyong pasahero ang dadagsa sa airports at seaports habang nasa 1.5 milyon sa mga bus terminals.

Mas mataas ito ng 20 hanggang 30 porsyento sa karaniwang bilang ng mga pasahero kada araw.

Kasabay nito, pinapayuhan ni Bautista ang mga bus operators na iwasan na munang ibiyahe ang mga bus patungo sa Bicol region dahil nasa 30 kilometro na ang haba ng pila ng mga sasakyan sa Matnog, Sorsogon.

“Ang LTO just issued a memorandum, informing mga buses, bus ­operators po sana na huwag munang magbiyahe doon sa  Bicol, lalung-lalo na iyong pupunta doon sa Matnog, dahil napakahaba pa nung queue.  In fact, kanina, I heard a radio report na almost 30 kilometers daw iyong pila nung mga sasakyan doon.Kaya we are encouraging iyong mga bus operators na siguro i-monitor iyong situation doon before allowing their buses to ply to those destinations,” ani Bautista.

May mga alternatibo naman aniya na ruta tulad ng mga pantalan sa Batangas.

Sa ngayon aniya, may ilang pantalan ang nasira dahil sa bagyong Kristine pero operational naman ang mga ito. Nasa P100 hanggang P110 milyong halaga ang nasirang pantalan.

Balik na aniya sa normal ang operasyon ng mga bus terminals, seaports at airports.

vuukle comment

UNDAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with