2 pang opisyal ng NPA, timbog sa Makati

Kinilala ni Lt. Col. Jeffrex Molina, spokesman ng 2nd Infantry Division (ID) ng Philip­pine Army ang mga nasakoteng lider ng NPA na sina Gavino Panga­niban, gumagamit ng mga alyas na “Momoy”, “Benson”, “Nori”, “Mando”, “Sonny”, “Teddy” at “Rato”, at isang Maritess David alyas “Teacher Laly” at “Nikki”; pawang matagal nang wanted sa mga awtoridad.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

MANILA, Philippines — Dalawa pang mataas na lider ng New People’s Army (CPP-NPA) ang nasakote ng pinagsanib na elemento ng 2nd Infantry Division at Southern Police District (SPD) sa isinagawang follow-up operation sa Pililia St., Brgy. Valenzuela, Makati City nitong Oktubre 27 ng madaling araw.

Kinilala ni Lt. Col. Jeffrex Molina, spokesman ng 2nd Infantry Division (ID) ng Philip­pine Army ang mga nasakoteng lider ng NPA na sina Gavino Panga­niban, gumagamit ng mga alyas na “Momoy”, “Benson”, “Nori”, “Mando”, “Sonny”, “Teddy” at “Rato”, at isang Maritess David alyas “Teacher Laly” at “Nikki”; pawang matagal nang wanted sa mga awtoridad.

Nasakote sina Pa­nganiban at David, apat na araw matapos na mabitag ng mga awtoridad ang kasamahan na si Wigberto Villarico, lider ng CPP-NPA sa Southern Tagalog Region sa isang operasyon sa Brgy. Fairview, Que­zon City.

Si Panganiban ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na ­inisyu ng RTC Branch 65 sa Infanta, Quezon at Branch 172 ng 4th Judicial Region sa RTC ng Gumaca, Quezon sa kasong murder at attempted murder habang si David ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Rosauro Angel David ng RTC Branch 101 sa Sta Rosa City, Laguna sa paglabag sa Comprehensive Law on Firearms and Ammunition.

Show comments