MANILA, Philippines — Karamihan sa mga Pinoy ang nagsabing ‘di nagbago ang kalidad ng buhay sa nakalipas na isang taon, batay sa inilabas na pinakahuling resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) nitong Sabado, Oktubre 26.
Batay sa resulta sa isinagawang survey sa pagitan ng nitong Setyembre 14 hanggang 23, nasa 38% ng respondents ang nagsabing pareho lang sa nakalipas na 12 buwan ang kalidad ng kanilang buhay, 37% ang nakadama na mas bumuti, habang 24% ang naniniwala naman na mas lumala.
Isinagawa ng face-to-face interviews sa 1,500 adults o 18-anyos pataas na nagmula sa Balance Luzon ang 600, 300 sa Metro Manila, 300 sa Visayas, at 300 sa Mindanao.
Ayon sa SWS, ang sampling margin of error ay ±2.5% para sa national percentage.
“The 2-point decline in the nationwide Net Gainer score between June 2024 and September 2024 was due to decreases in Metro Manila, Balance Luzon, and the Visayas, combined with an increase in Mindanao,” ayon sa SWS.
Ang tinukoy na mas bumuti ang kalidad ng buhay ay “gainers,” habang “losers” naman sa nagsabing lumala.