^

Metro

Mayorya sa Pinoy, ‘di nabago ang kalidad ng buhay – survey

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Mayorya sa Pinoy, âdi nabago ang kalidad ng buhay â survey
A man cleans a container along Manila Bay on September 19, 2024.
AFP / Jam Sta Rosa

MANILA, Philippines — Karamihan sa mga Pinoy ang nagsabing ‘di nagbago ang kalidad ng buhay sa nakalipas na isang taon, batay sa inilabas na pinakahuling resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) nitong Sabado, Oktubre 26.

Batay sa resulta sa isinagawang survey sa pagitan ng nitong Setyembre 14 hanggang 23, nasa 38% ng respon­dents ang nagsabing pareho lang sa nakalipas na 12 buwan ang kalidad ng kanilang buhay, 37% ang nakadama na mas bumuti, habang 24% ang naniniwala naman na mas lumala.

Isinagawa ng face-to-face interviews sa 1,500 adults o 18-anyos pataas na nagmula sa Balance Luzon ang 600, 300 sa Metro Manila, 300 sa Visayas, at 300 sa Mindanao.

Ayon sa SWS, ang sampling margin of error  ay ±2.5% para sa national percentage.

“The 2-point decline in the nationwide Net Gainer score between June 2024 and September 2024 was due to decreases in Metro Manila, Balance Luzon, and the Visayas, combined with an increase in Mindanao,” ayon sa SWS.

Ang tinukoy na mas bumuti ang kalidad ng buhay ay “gainers,” habang “losers” naman sa nagsabing lumala.

SWS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with