^

Metro

Higit P37 milyong shabu, cocaine nasabat sa Taguig

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mahigit P37-milyong halaga ng iligal na droga ang nasamsam ng mga awtoridad sa isang high value individual (HVI), sa isinagawang anti-drug ope­ration sa Bicutan, Taguig City, kamakalawa ng gabi.

KInilala ni Southern Police District (SPD) Director P/Brig. General Bernanrd Yang ang suspek na si alyas “Jhovel”, 34-anyos, residente ng Brgy. Western Bicutan, Taguig City.

Sa ulat, dakong alas-9:45 ng gabi nang madakip sa buy-bust operation ang suspek ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit ng Southern Police District (SPD), kasama ang District Mobile Force Battalion, District Intelligence Division Philippine Drug Enforcement Agency Special District Office (PDEA SDO), at Southern District Highway Patrol Unit sa Western Bicutan.

Nasamsam ang tinatayang 4.5 kilo ng shabu na may street value na P30,600,000 at 6.9 gramo ng cocaine na may halagang P36,570.00

Inihahanda na ang isasampang reklamo ng paglabag sa Section 5 at Section 11, ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa suspek sa Taguig City Prosecutors Office.

HVI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with