Higit P46 milyongg halaga ng kush nasabat sa buy-bust ng PNP-DEG

Sinisiyasat ng mga tau- han ng PNP-DEG ang nasamsam na kush sa Marilao, Bulacan na may halagang P28.5 milyon.
PNP-DEG

MANILA, Philippines — Aabot sa P46.5 mil­yong halaga ng kush ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) sa magkasabay na buy-bust operation  kahapon sa  Marilao at Balagtas, Bulacan.

Ayon kay PNP-DEG Director PBGen. Eleazar P Matta, bandang ala-1:10 ng tanghali nang isagawa ng Special Operation 3 (Central Luzon)  Intelligence and Foreign Liaison Division – PNP DEG, PDEA SES at Marilao Municipal Police Station ang anti-illegal drugs operation sa Brgy. Patubig, Marilao Bulacan na nagresulta sa pagkakaaresto sa isang 43-anyos na drug suspect.

Nakuha dito ang nasa 38 piraso ng  heat-sealed transparent plastic packs na naglalaman ng pinatuyong dahon ng high-grade marijuana.

May timbang  na 19 kilos at nagkakahalaga ng  P28,500,000.00.

Sa Blk 2 lot 10  Northville 6, Brgy. Santol, Balagtas, Bulacan nasamsam ng  mga awtoridad ang 12 kilos ng  kush na may halagang P18,000,000.00 mula sa isang 40-anyos na drug suspect.

Sinabi ni Matta na ang pagkakasabat ng mga illegal drugs ay bunsod ng kanilang pinaigting na kampanya at surveillance.

Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga suspek.

Show comments