Mag-utol, arestado sa buy-bust

Kapwa nasa kustodiya ng MPD-PS6, ang mga suspek na sina Jason Christopher Paloma, 29 at kapatid nitong si Christian, 25,kapwa taga 2350 Interior 48 Pasig line Street, Sta. Ana, Manila nang tangkain nitong pigilan ang gagawing pag-aresto sa kanyang Kuya. Sa imbestigasyon, isinagawa ang buy-bust operation, alas-3:56 ng madaling araw sa harap ng bahay sa 2641 interior 48 Pasig line Street, Brgy. 781 Zone 85 Sta. Ana, Maynila.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Arestado ng mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 6,ang magkapatid sa isinagawang buy-bust operation, kahapon ng madaling araw sa Sta.Ana,Maynila.

Kapwa nasa kustodiya ng MPD-PS6, ang mga suspek na sina Jason Christopher Paloma, 29 at kapatid nitong si Christian, 25,kapwa taga 2350 Interior 48 Pasig line Street, Sta. Ana, Manila nang tangkain nitong pigilan ang gagawing pag-aresto sa kanyang Kuya. Sa imbestigasyon, isinagawa ang buy-bust operation, alas-3:56 ng madaling araw sa harap ng bahay sa 2641 interior 48 Pasig line Street, Brgy. 781 Zone 85 Sta. Ana, Maynila.

Nakumpiska sa mga suspek ang 5 sachet Ng shabu na may street va­lue na P35,000 at P500 marked money.

Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ,ang magkapatid at may isinampangpaglabag sa PD1829 o Obstruction of Justice Kay Christian sa Manila Prosecutors Office.

Show comments