MANILA, Philippines — Kinilala ng Department of Interior and Local Government-National Capital Region (DILG-NCR) ang Malabon City government sa mga programa at serbisyo na nagpapataas ng antas ng pamumuhay ng mga Malabueños.
Ayon sa DILG ang pagbibigay ng parangal sa Malabon LGU ay bunsod ng pagpapakita nito ng tapat at maayos na pagseserbisyo sa ilalim ng 2024 Urban Governance Exemplar Awards. Isasagawa ang awarding bukas, October 28.
Kabilang sa mga parangal sa Malabon LGU ay Top Performing LGU sa Peace and Order Council (POC) Performance Audit at Anti-Drug Abuse Coucil (ADAC) Performance Audit at Most Improved LGU sa LGU Compliance Assessment of the Manila Bay Clean-Up, Rehabilitation, and Preservation Program. Kinilala rin ito sa Local Committee on Anti-Trafficking –Violence Against Women and their Children Functionality Audit, Local Council for protection of Children Functionality Audit, Peace and Order Council, Anti-Drug Abuse Council, at Child-friendly Local Government Audit.
Ayon naman kay Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, karangalan para sa pamahalaang lungsod ang makatanggap ng mga pagkilala mula sa DILG-NCR sa patuloy na pagbibigay ng dekalidad na serbisyo publiko sa mga Malabueño.Patunay aniya ito na ang serbisyong tapat, walang pinipili, at nakatuon para sa lahat ng aspeto sa pagpapaunlad ng buhay ng bawat Malabueño.
Binigyan diin naman ni City Administraator Dr. Alex Rosete na indikasyon lamang ito na nakatuon ang mga programa ng lungsod sa pagpapaunlad at pagpapabuti ng buhay ng mga Malabueño mula sa iba’t ibang sektor. Ang mga parangal ay nagsisilbing paalala sa Malabon LGU na mas pagbutihin pa ang pagbibigay ng serbisyo at pagpapalawak ng mga programa para sa patuloy na pag-unlad at pag-ahon.