^

Metro

Malabon LGU kinilala ng DILG sa programa at serbisyo

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Kinilala ng  Department of Interior and Local Government-National Capital Region (DILG-NCR)  ang  Ma­labon City government  sa mga programa at serbisyo na nagpa­pataas ng antas ng pamumuhay ng mga  Malabueños.

Ayon sa DILG ang  pagbibigay ng  parangal sa Malabon LGU  ay bunsod ng  pagpapakita nito ng  tapat at maayos na pagseserbisyo sa ilalim ng  2024 Urban Governance Exemplar  Awards. Isasagawa ang  awarding bukas, October 28.

Kabilang sa mga parangal sa  Malabon LGU  ay  Top Performing LGU sa Peace and Order Council (POC) Performance Audit at  Anti-Drug Abuse Coucil (ADAC) Performance Audit at  Most Improved LGU sa LGU Com­pliance Assessment of the Manila Bay Clean-Up, Rehabilitation, and Preservation Program. Kinilala rin ito sa  Local Committee on Anti-Trafficking –Violence Against Women and their Children Functionality Audit, Local Council for protection of Children Functionality Audit, Peace and Order Council, Anti-Drug Abuse Council, at Child-friendly Local Government Audit.

Ayon naman kay Malabon City Mayor Jeannie Sandoval,  karangalan para sa pamahalaang lungsod  ang makatanggap ng mga pagkilala mula sa DILG-NCR sa patuloy na pagbibigay ng dekalidad na serbisyo publiko sa mga Malabueño.Patunay  aniya ito na ang serbisyong tapat, walang pinipili, at nakatuon para sa lahat ng aspeto sa pagpapaunlad ng buhay ng bawat Ma­labueño.

Binigyan diin naman ni  City Administraator Dr. Alex Rosete na indikasyon lamang ito na nakatuon ang mga programa ng  lungsod sa pagpapaunlad at pagpapabuti ng buhay ng mga Malabueño mula sa iba’t ibang sektor. Ang mga parangal  ay nagsisilbing paalala sa Malabon LGU na mas pagbutihin pa ang pagbibigay ng serbisyo at pagpapa­lawak ng mga programa para sa patuloy na pag-unlad at pag-ahon.

DILG

LGU

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with