290 Pinoy repatriates mula Lebanon dumating na

MANILA, Philippines — Dumating na sa bansa kahapon bandang alas-3:03 ng hapon sa NAIA Terminal 1 sa Pasay City ang chartered plane kung saan sakay ang  290 Pilipino na inilikas mula sa Lebanon  sakay ng chartered flight.

Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Hans Cacdac,  233 ang overseas Filipino workers (OFWs), 13 dependents, 21 overseas Filipinos  at kanilang 23 dependents.

Umabot na sa kabuuang 903 OFWs at 47 dependents mula sa Lebanon ang naiuwi na sa pamamagitan ng voluntary repatriation program ng gobyerno,

Ito’y alinsunod na rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na iuwi na ang mga kababayan sa kahit anong pamamaraan dahil sa mas tumitinding tensyon sa Middle East.

Show comments