Caloocan naglabas ng paalala sa Undas 2024

MANILA, Philippines — Naglabas na ng  paalala ang Caloocan LGU para sa schedule ng mga sementeryo kaugnay ng  paggunita ng All Saints’ sa Nobyembre 1 at Souls’ Days sa Nobyembre 2.

Sa facebook page ni  Caloocan City Mayor Dale “Along” Malapitan, nakasad na hanggang Oktubre 29 lamang maaaring maglinis ng mga nitso.

Maaaring dumalaw sa mga pampublikong sementeryo mula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 2 mula alas 7 ng ­umaga hanggang alas-10 ng gabi kung saan may itinalagang mga entrance at exit.

Hindi na papayagan pang makapasok sa mga sementeryo ang  mga sasakyan  sa Nobyembre 1 at 2.

Ipinagbabawal  din ang pagdadala ang  mga matatalas at matatalim na bagay, nakalalasing na inumin, paputok, malalakas na sound system, baraha o anumanng  uri ng  pagsusugal.

Apela ni Malapitan, panatilihing malinis ang mga sementeryo.

Maaari ring makipag ugnayan sa 888 - ALONG (25664) para sa anumang katanu­ngan o emergency.

Show comments