Magdyowang nag-iwan ng sanggol, kinasuhan ng infanticide

File photo of a couple with handcuffs.

MANILA, Philippines — Kinasuhan na ng “infanticide” ang magkasintahan na nag-iwan ng kanilang patay na sanggol nitong Miyerkules ng gabi sa terminal ng bus sa Quezon City.

Kinilala ang mga suspek na sina alias Endel, 21, at Diane, 17, kapwa estudyante at mga tubong Nueva Ecija.

Si Diane ay kasalukuyang naka-confine sa Gapan Hospital sa Neva Ecija matapos mamatay ang sanggol na kaniyang isinilang sa banyo ng Baliwag Bus Terminal sa Montreal St., kanto ng EDSA Brgy. E. Rodriguez, Cubao, ­Quezon City. Nakakulong naman si Endel.

Ang pagkakatukoy at pagkakaaresto sa magkasintahan ay bunsod ng kuha sa CCTV footages sa loob ng bus terminal na bumaba ang dalawa mula sa isang pampasaherong bus-2003, naglakad at pumasok sa comfort room.

Matapos ang higit dalawang oras, nakitang lumabas ang dalagita na bitbit ang bagong silang na sanggol na nakabalot ng kulay puting tela at iniwan sa madilim na sulok ng bus terminal.

Agad na nagsagawa ng follow-up ­operation ang mga tauhan ng mga opera­tiba ng Quezon City Police District (QCPD) Cubao Police Station 7 sa pangunguna ni PCpl Frederick Passilan.

Inaresto ang magkasintahan mula sa Penaranda Police Station, Nueva Ecija, bandang-9:00 ng umaga nitong Huwebes, Oktubre 24, matapos na iturn-over doon ng bus driver ng Baliwag.

Show comments