MANILA, Philippines — Kanselado ang mga biyahe ng bus na nagmumula sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) dahil sa matinding pag-ulan at pagbabaha dulot ng bagyong Kristine.
Sa talaan na inilabas ng PITX kahapon, Oktubre 24, nasa 90 biyahe ang kinansela na kinabibilangan ng P&O na patungong Tagkawayan, Quezon alas-5:00 ng madaling araw; ang OM na may biyaheng 5:30 at 10:30 ng umaga at ang Ceres sa alas-6:30 ng umagang iskedyul patungong San Jose, Mindoro dahil sa kanselado rin ang paglalakbay sa dagat sa Batangas Port.
Gayundin ang pang-10:30 ng umaga na biyahe ng Ceres sa Iloilo City; ang alas-9:00 ng umaga na biyahe ng Philtranco patungong Cagayan De Oro; ang Amihan patungong Sorsogon alas-9:00 ng umaga; ang LLI na alas-8:00 patungong Sta Cruz, Laguna; ang A&B 9:30 ng umaga patungong Guinayangan, at alas-12:00 ng madaling araw patungong Calauag; ang San Gabriel patungo ng Nasugbu via Ternate na alas-8:30 ng umaga at alas-12:30 ng hapon dahil sa landslide sa Look Road; ang DLTB pa-Daet na alas-8:00 ng umaga at pa-Lemery, Batangas alas 12:30 ng hapon.
Ang DLTB pa-Legaspi na may alas-4:00 ng hapon, alas-7:45 at alas-8:30 ng gabi; ang DLTB Matnog na alas-5:15 ng hapon at 6:15 na patungo ng Bulan, Sorsogon. Ang alas-6:15 ng gabi na biyahe ng ALPS patungong Gubat, Sorsogon, pa-Tabaco na alas-5:00, alas-7:15 at 8:00 ng gabi ; patungong Lipa ala-1:00 at 2:00 ng hapon; pa-batangas na alas-2:30 ng hapon.
Ang mga iskedyul ng RORO alas-8:30 ng umaga at alas-12:30 ng hapon patungo sa San Jose, Mindoro; patungong Masbate na 12:30 ng hapon.