^

Metro

9-buwang ipinagbubuntis inilaglag ng 18-anyos, beybi itinago sa bag!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
9-buwang ipinagbubuntis inilaglag ng 18-anyos, beybi itinago sa bag!
Stock image of a pregnant woman.
Image by from Pixabay

MANILA, Philippines — Nasa maselang kondisyon ang isang 18-anyos na kasambahay matapos ang walang puknat na pagduduro sa kanyang kaselanan nang palihim nitong ilaglag ang 9-buwang sanggol sa kanyang sinapupunan sa pamamagitan ng pag-inom ng abortion pills sa Tondo, Manila, nabatid kahapon.

Naka-confine pa sa Tondo Medical Center ang suspek na si alyas “Jen”, ng Tondo, Manila habang nadiskubre ang inilaglag na sanggol na nakasilid sa isang plastik sa loob ng kanyang bag at itinago niya sa kanyang silid.

Batay sa ulat ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong alas-4:00 ng madaling araw kahapon nang makaranas ang suspek nang pagduduwal, pagdurugo ng ari at pananakit ng tiyan. Pagsapit ng alas-11:00 ng umaga ay nagpasya na ang employer ng suspek na isugod siya sa pagamutan upang malunasan.

Dito na inamin ng suspek na uminom siya at naglagay sa kanyang puwerta ng abortion pills dakong alas-11:00 ng gabi kamakalawa na nag­resulta sa pagkalaglag ng sanggol sa nasa kanyang sinapupunan.

Dakong alas-12:00 ng tanghali naman kahapon nang madiskubre ang fetus habang naglilinis ng kuwarto ang babaeng kasamahan sa trabaho ng suspek.

Nakasilid umano ang fetus sa malinaw na plastik, kasama ang inunan nito, at nakalagay sa bag ng suspek.

vuukle comment

CRIME

MPD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with