Dahil sa ‘vote buying’ 253 nanalo sa 2023 BSKE, ‘di naiproklama - Poll chief

MANILA, Philippines — Umaabot sa 253 kandidato na nanalo sa 2023 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) ang hindi iprinoklama ng Commission on Elections (Comelec) matapos na masangkot sa vote-buying o pamimili ng boto.

Ito ang kinumpirma ni Comelec Chairman George Erwin Garcia sa kanyang pagdalo sa second year anniversary ng Manila City Hall Reporters’ Association’s “MACHRA Balitaan sa Harbor View” kahapon.

Ayon kay Garcia, nasa 1,000 kandidato ang naharap sa kaso ng pamimili ng boto sa nasabing halalan habang nasa 7,500 kandidato ang sinampahan ng kasong vote-buying na may premature campaigning.

Sa naturang bilang, kabuuang 253 nanalong barangay at SK officials ang hindi pinahintulutang makaupo sa puwesto
Kaugnay nito, pinayuhan ni Garcia ang mga kandidato na magsilbing aral ito sa kanila.

Show comments