^

Metro

Grade 9 student timbog sa P714K shabu

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang estudyanteng menor-de-edad na tinaguriang high value individual (HVI) ang naaresto matapos masamsam ang malaking halaga ng iligal na droga sa isinagawang anti-criminality operation ng Taguig Vity Police Sub-Station 4, sa Taguig City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na si alyas na “Bryan”, 17-anyos, Grade 9 student ng hindi tinukoy na paaralan.

Naging madulas naman ang isa pang suspek na si alyas “Alvin” na nagawang makatakbo matapos magpumiglas at maitulak ang mga pulis.

Sa ulat, dakong alas-9:45 ng gabi ng Oktubre 21, sa  Barangay Ususan nang matiyempuhan at maaresto ng mga awtoridad si Bryan na may dalang 80 gramo ng shabu na may street value na P544,000, habang ang kasamang si alyas “Alvin” ay nakuhanan din ng shabu na may timbang na 25 gramo o katumbas sa halagang P170,000.

Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga pulis para madakip si Alvin at masampahan din ng reklamong paglabag sa Republic Act A 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Si Bryan naman na isang Child In-Conflict with the Law (CICL) at nahaharap sa kaparehong paglabag ay inilipat sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa pagiging menor-de-edad.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with