^

Metro

17 Sayyaf ‘guilty’ sa pagdukot sa 19 dayuhan, 2 Pinoy

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
17 Sayyaf �guilty� sa pagdukot sa 19 dayuhan, 2 Pinoy
Batay sa 157-pahinang desisyon ni Taguig Regional Trial Court Branch 153 Presiding Judge Mariam Bien, ang 17 terorista ay nagkasala sa 21 bilang ng kidnapping at serious illegal detention with ransom at hinatulan ang bawat isa ng “reclusion perpetua” para sa bawat bilang.
STAR/File

MANILA, Philippines — Hinatulan ng “guilty” ng Taguig Regional Trial Court (RTC) ang 17 mi­yembro ng Abu Sayyaf terrorist group sa kasong kidnapping at serious illegal detention para sa pagdukot noong 2000 sa 19 na dayuhan at dalawang Filipino mula sa isang diving resort sa Sipadan Island sa Malaysia.

Batay sa 157-pahinang desisyon ni Taguig Regional Trial Court Branch 153 Presiding Judge Mariam Bien, ang 17 terorista ay nagkasala sa 21 bilang ng kidnapping at serious illegal detention with ransom at hinatulan ang bawat isa ng “reclusion perpetua” para sa bawat bilang.

Inatasan din ng ­korte na magbayad ang bawat isa ng kabuuang P300,000 para sa ­exemplary at moral damages sa bawat isa sa 21 biktima, lahat ay may interes sa rate na anim na porsiyento kada taon mula sa petsa ng finality of judgment hanggang sa ganap na mabayaran.

Ang 17 hinatulan ay sina Alkaiser Baladji, Omar Galo, Muner Jumalla, Najer Ibrahim, Jahid Susukan, Hilarion Santos, Ben Najar Abraham, Said Massud, Hajid Elhano, Jundam Jawad, Aljunib Hashim, Michael Pajiji, Alhadi Aylani, Dhad Suraidi, Julkipli Salih, Saltimar Sali, at Redendo Dellosa.

“Being detention pri­soners they and each of them shall be cre­dited with the full time during which they had undergone preventive imprisonment, pur­suant to the provisions of Article 29 of the Revised Penal Code,” saad sa desisyon.

Matatandaang noong Abril 2000 nang dukutin ang 21 katao na kinabibilangan ng tatlong German, da­lawang French, dalawang South African, dalawang Finns, isang Lebanese, siyam na Malaysian at dalawang Filipino.

Napalaya lamang ang mga hostages nang maibigay ang ransom, bukod sa Pinoy na si Roland Ulla, na nakatakas lamang noong Hunyo 6, 2003.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with