Chinese kinidnap habang nangingisda sa Bulacan

Ayon sa report ng pulisya, nakita umano ng ilang saksi ang ginawang pagdukot ng apat na kalalakihan sa Chinese na si Zhongjian Jiang at sapilitang isinakay sa isang sasakyan.

MANILA, Philippines — Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang Philippine National Police (PNP) kaugnay sa insidente ng pagdukot sa isang Chinese national ng hindi pa kilalang grupo habang nangi­ngisda ang dayuhan sa Angat River sa Bustos, Bulacan nitong Linggo ng umaga.

Ayon sa report ng pulisya, nakita umano ng ilang saksi ang ginawang pagdukot ng apat na kalalakihan sa Chinese na si Zhongjian Jiang at sapilitang isinakay sa isang sasakyan.

Kasunod nito, mabilis na sumibat ang sasak­yan patungo sa bypass road sa Barangay Bonga Menor ng nasabing bayan.

Iniulat ng kanyang live-in partner ang insidente sa Bustos Municipal Police Station at sinabing nakatanggap siya ng mensahe mula sa kanyang pinsan na nagde-demand ang mga abductors ng $300,000 ransom money.

Sa pagsisiyasat ng Police Regional Office (PRO) 3, lumilitaw na mayroon umanong mil­yon-milyong utang si Jiang. Una na rin siyang nabiktima ng kidnapping sa Clark, Pampanga noong taong 2020 at nakapagbigay ito ng ransom money na P1 milyon kaya siya pinalaya.

Show comments