Umapaw sa pasyente
MANILA, Philippines — Nagpaalala ang dalawang pangunahing ospital na pinatatakbo ng lokal na pamahalaan sa Maynila na hindi na kayang tumanggap pa ng mas maraming karagdagang pasyente dahil sa naabot na nito ang “full capacity” status at kung maari ay magtungo muna sa ibang pagamutan.
“Kami ay naghihikayat na magpatingin sa iba pang pampublikong ospital sa Lungsod ng Maynila. Maraming salamat po sa pag-unawa,” ayon sa isang pahayag ng Manila LGU.
Sa isang advisory, sinabi ng Manila Public Information Office na ang Ospital ng Maynila Medical Center at Gat Andres Bonifacio Medical Center ay kasalukuyang may mga full emergency room at hindi na kayang tumanggap ng mga karagdagang pasyente.
Noong Hunyo 2022, ang Ospital ng Maynila ay may 300 bed capacity habang ang Gat Andres Bonifacio Medical Center ay nasa 150-200 ang bed capacity.
Hinimok ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang publiko na humingi ng tulong medikal mula sa iba pang pampublikong ospital hanggang sa maresolba ng mga ospital ang kanilang full capacity status.