^

Metro

Lalaki nag-amok: Pulis hinataw ng tubo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Lalaki nag-amok: Pulis hinataw ng tubo

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 35-anyos na lalaki matapos hatawin sa ulo ng tubo ang rumespondeng pulis sa kaniyang pagwawala na nagdala ng takot at pangamba sa mga dumaraan at empleyado ng isang convenience store sa Tondo, Maynila, madaling araw ng Linggo.

Kinilala ang suspek na si alyas “Moktar”, tubong Zamboanga at residente ng Barangay 61, Tondo, Manila.

Nagtamo naman ng sugat sa ulo ang isang Patrolman na nakatalaga sa Gandara Police Community Precinct (PCP) dahil sa paghataw ng tubo ni Moktar.

Sa ulat ng Manila Police District, alas-2:20 ng madaling araw nang respondehan nina Patrolman Rommel Garcia, Pat. John Robert Taopo at PCpl. Jefferson Lising ang tawag ng crew ng kinilalang convenience store hinggil sa ginagawang pagwawala ng suspek.

Nadatnan ng mga pulis ang suspek na sumi­sigaw pa habang may hawak na tubo. Nang kanilang lapitan, pumalag ang suspek at ipinalo ang hawak nitong tubo sa isa sa mga pulis. Bagama’t  putok na ang ulo ay nagawang maaagaw pa ng pulis ang tubo, at naposasan siya ng dalawa pang pulis.

vuukle comment

MOKTAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with