Tony Yang kinasuhan ng 16 na reklamo ng NBI

MANILA, Philippines — Kinasuhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ng 16 na reklamo ng falsification of public documents, perjury at paglabag sa Anti Alias Law laban kay Yang Jian Xin o kilala bilang Antonio Lim Y Maestrado, Antonio M. Lim , Tony Lim at  Tony Yang na kapatid ni dating presidential economic adviser Michael Yang.

Ayon sa NBI ang kaso ay naisampa makaraang makumpirma na guma­gamit si Yang ng ibat ibang aliases upang makapagtayo at makapag-rehistro ng ibat ibang kompanya sa Securities & Exchange Commission sa Cagayan de Oro City.

Ang kaso ay naisampa ng NBI sa tanggapan ng City Prosecutor sa Cagayan de Oro City .

Sinasabing ang 16 na reklamo ay sasailalim sa preliminary investigation at inaasahang mas maraming reklamo pa ang maisasampa laban dito sa susunod na mga araw.

Si Yang ay naaresto sa NAIA Terminal 3 noong nagdaang Setyembre 19 dahilan sa reklamong human trafiicking at umanoy pagkakasangkot sa iligal na operasyon ng Phi­lippine Offshore Ga­ming Operators (POGO).

Show comments