Presyo ng petrolyo, may katiting na rollback

Sinasabing aabutin ng mula 50 centavos hanggang 75 centavos ang ibababa sa presyo ng gasolina kada litro sa susunod na linggo, mula naman P1 hanggang P1.15 ang bawas-pre­s­yo sa kada litro ng diesel habang aabutin naman ng mula 90 centavos hanggang P1 ang bawas presyo sa kada litro ng kerosene.
STAR / Ernie Penaredondo

MANILA, Philippines — Matapos maipatupad ngayong linggo ang higit P2 oil price hike, magkakaroon naman ng katiting na bawas-presyo ang mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Sinasabing aabutin ng mula 50 centavos hanggang 75 centavos ang ibababa sa presyo ng gasolina kada litro sa susunod na linggo, mula naman P1 hanggang P1.15 ang bawas-pre­s­yo sa kada litro ng diesel habang aabutin naman ng  mula  90 centavos hanggang P1 ang bawas presyo sa kada litro ng kerosene.

Ang nagdaang apat na araw na presyuhan ng petrolyo sa merkado ang sanhi ng oil price rollback.

Tuwing araw ng Martes ipinatutupad ang oil price adjustment.

Show comments