Buy-bust sa motel: 3 timbog, P3 milyong droga Samsam

MANILA, Philippines — Arestado ang tatlo katao sa ikinasang drug buy-bust ng mga tauhan ng Phililppine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG),National Capital Region sa loob ng isang motel sa Cubao, Quezon City kahapon ng tanghali.

Kinilala ang mga suspek na sina Gonarado Piti-ilan, 44 ng Katwiran St. Brgy. San Salvador Baras Rizal; Kabalo Alipulo, 41, ng B20 Baseco Compound, Port Area Manila, at Bailyn Uwa, 40, ng Quiapo, Maynila.

Sa report ng PDEG NCR, isinagawa ang  buy-bust dakong ala-1:40 ng tanghali sa loob mismo ng isang motel sa Barangay  San Martin De Porres.

Nagkasundo ang mga suspek at poseur buyer sa bentahan hanggang sa sila ay dambahin ng mga nakaposteng pulis.

Nasamsam sa mga suspek ang isang piraso ng black bubble wrap na naglalaman ng 10 heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na 500 gramo na may halagang P3 milyon, cellphone, IDs at  boodle money.

Show comments