^

Metro

Chinese national swak sa gun ban sa Parañaque

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang Chinese national matapos ireklamo ng panunutok ng baril ng kanyang kababayan na kasama niya sa loob ng sasakyan habang nakataas ang gun ban sa Metro Manila, sa Parañaque City, kamakalawa ng gabi.

Isinailalim sa inquest proceedings ang suspek na si alyas “Liu”, dahil sa paglabag sa Gun Ban, Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunitions Act) at Grave Threat sa Parañaque City Prosecutor’s Office.

Umiiral mula Oktubre 14-18, 2024 ang gun ban sa Metro Manila para sa limang araw na Asia-Pacific Minis­terial Conference on Disaster Risk Reduction.

Ang mga permit to carry firearms outside of residence ay sinuspinde hanggang Okt. 18, batay sa isang memorandum na inisyu ni PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil noong Sabado

Naganap ang insidente dakong alas-8:10 ng gabi ng Oktubre 16 malapit sa isang hotel sa Barangay Don Galo, Parañaque City.

Sa inisyal na imbestigasyon, ang biktima na si alyas “Fang”, 24-anyos, Chinese national, ay kasama ang suspek na sakay ng isang puting Ford Explorer na minamaneho ng isang alyas “Mark”.

Sa gitna ng pagtatalo umano ang dalawa ay naglabas ng baril si Liu na itinutok kay Fang kaya napahinto ng pagmamaneho si Mark, humingi ng tulong sa bystander na tumawag ng pulis.

Mabilis na rumesponde sa pinangyarihan ang mga tauhan ng Parañaque CPS Investigation and Detective Ma­nagement Section na nasa lugar at sa pagkakataong iyon ay dinisarmahan nina Fang at Mark si Liu.

Kinumpiska sa suspek ang isang 9mm pistol na may serial number na RIA1775640, na may kargang limang bala.

vuukle comment

PARAñAQUE CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with