^

Metro

‘Smokey Mountain’ hindi papayagan ng Malabon LGU

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi papayagan ng Malabon LGU na magkaroon ng “Smokey Mountain” sa lungsod kaya puspusan ang kanilang ginagawang paghahakot sa mga basura sa iba’t ibang kalsada at mga creek dito.

Ayon kay Malabon City Mayor Jeannie Sandoval, mas pinaigting pa nila ang kanilang kampanya upang mapanatiling malinis ang lungsod at matiyak ang kalusugan ng mga residente.

”Ito ay hindi lang dahil sa mga natatanggap nating mga report ukol sa mga tambak ng basura sa mga lugar, kung hindi dahil nais din nating mawala na ang problema sa basura sa Malabon na siyang nagiging dahilan ng pagkakasakit ng mga Malabueño at ng pagbabara at pagbabaha sa lungsod” ani  Sandoval.

Aniya sa City Ordinance 14-2011 o ang Malabon Anti-Littering Ordinance, naaresto ng City Environment and Natural Resources (CENRO) at Public Safety and Traffic Management Office ang nasa 371 katao na walang disiplina sa pagtatapon ng basura. Ani Sandoval ang nasabing bilang ay nahuli sa aktong nagtatapon ng basura sa kalsada at maging sa mga creek. Pinagmulta ang mga ito at pinag-community service ng 8 oras.

Nasa 200 plastic ng basura ang nakuha mula sa mga creek na kinabibilangan ng Tugatog Creek, Brgy.Tugatog (11 sako); Pinagsabugan Creek, Brgy. Tonsuya (23 sako); Letre Creek, Brgy. Tonsuya (27 sako); Sucul River, Brgy.Tonsuya/Catmon (83 sako); Lapu-Lapu Creek, Brgy. Longos (9 sako); Dampalit River (37 sako); Dampalit River, Brgy.Bayan-bayanan (3 sako); Dampalit River, Concepcion (6 sako) at Malabon/Navotas River (6 sako).

vuukle comment

MALABON LGU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with