^

Metro

Comelec bumuo ng task force vs ‘mass migration’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumuo na ang task force ang Commission on Elections (Comelec) na layong siyasatin ang napaulat na biglaang “mass migration” o lipatan ng lugar ng mga botante sa ilang lugar sa bansa.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, dalawang resolusyon ang nilagdaan ng Comelec en banc kamakalawa para sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa paglipat ng mga botante sa Makati, Cagayan de Oro, at Nueva Ecija.

Sinabi ni Garcia na napuna nila ang maramihang paglilipat ng mga botante mula sa isang munisipalidad, patungo sa isa pang munisipalidad, sa isang lalawigan. Mayroon din umanong mula sa labas ng isang lalawigan.

Paliwanag ni Garcia, hindi naman ipinagbabawal ang paglipat ng lugar ng isang botante subalit ang ipinagtataka nila ay ang pagtaas sa 40% ng mga nagpapalipat na botante.

Sinasabing gumagamit ang mga nagpaparehistrong botante ng barangay certificates para makalipat ng ibang lugar.

Hinikayat na rin naman ni Garcia ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na imbestigahan ang maluwag na pag-iisyu ng mga barangay ng sertipikasyon na nagagamit sa iregular na voter transfer.

vuukle comment

COMMISSION ON ELECTIONS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with