50 iskul sa Quezon City lalagyan ng solar panel

The Quezon City Hall.
Facebook / Quezon City Local Government

MANILA, Philippines — Target ng Quezon City government na lagyan ng mga solar panel ang 50 na pampublikong paaralan sa lungsod.

Ito ay makaraang lumagda sa isang me­morandum of agreement (MOA) si QC Mayor Joy Belmonte sa pagitan nina Schools Division Office Superintendent Carleen Sedilla; City Administrator Mike Alimurung at City Engineer head Atty. Dale Perral na sinaksihan ng city department heads at mga miyembro ng Solar Technical Working Group.

Sa paglalagay ng solar panels sa mga iskul, magiging daan ito na mabawasan ang gastos ng mga eskwelahan sa kuryente at tuloy na mas maisusulong ang paggamit ng renewable energy.

Dagdag pa rito, mababawasan din ang carbon emission mula sa paaralan na nagpapalala sa climate change.

Sa ngayon, solarized na ang tatlong gusali sa Quezon City hall at dalawang public school habang on-going na rin ang installation ng solar panels sa tatlong city-owned hospitals sa QC.

Show comments